May 2, 2024

KEVIN LOVE, NANGUNA SA PAGTAGA NG CAVS SA MIAMI HEAT

Bumida si Kevin Love mula of the bench sa pagtaga ng Cleveland Cavaliers sa Miami Heat, 105-94. Gumawa si Love ng 23 points at 9 rebounds. Kung saan, 5 ang naipasok niya sa three point arc out of eight attempts.


Bumanat naman si P.J Tucker ng 23 points, 9 boards at 5 assists para sa Heat. Nag-ambag naman si Kyle Lowry ng 22 points at 5 assists. Habang si Tyler Herro naman ay bumuslo ng 12 points, 2 boards at 2 assists.


Bumira naman para sa Boston Celtics si Jayson Tatum ng 42 points at 5 rebounds. Kung saan, ginulpi nng team ang Milwaukee Bucks, 117-103. Nag-ambag naman si Jaylen Brown ng 19 points, 5 boards at 4 assists. Lumagare naman sa Bucks si Jrue Holiday ng 20 points at 8 assists. habang 20 points, 8 boards at 3 assists naman ang ginawa ni Giannis Antetokounmpo.