PATAY ang umano’y kasabwat ng convicted killer ng broadcaster na si Percy Lapid habang isinisilbi ang warrant sa Lipa City, Batangas.
Kinilala ang nasawing kasabwat na si Jake Mendoza, na isa umano sa mga suspek na nagplano sa pagpatay sa naturang broadcaster noong Oktubre 2022.
Ayon kay National Capital Region Police Office chief PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr., nag-suicide si Mendoza ilang oras matapos ang nangyaring negosasyon nang gawin nitong hostage ang kanyang partner at anak.
Dagdag pa ng opisyal, sinimulan ng pulisya ang manhunt operation anim na buwan ang nakalilipaas at nalaman nila na si Mendoza ay armado at mapanganib.
“Nakipag-negotiate tayo hanggang umabot ng alas kwarto ng madaling araw,” saad niya. “Pinatawag ang barangay captain and mga kamag-anak, iyong pinsan, kaya na-release ang partner niya at anak.”
Si Mendoza ay kasabwat ni Joel Escorial, na hinatulan ng walong taon at walong buwan o higit sa 16 taon sa kulungan ng Las Piñas City RTC Branch 254.
Ayon kay Nartatez, nakakalungkot ang pagkamatay ni Mendoza dahil maari siyang makatulong sa kaso.
“Makakatulong iyong testimonya nila sa pag-usad ng kaso at mabigay natin ang tamang hustisya sa pagkamatay ni Percy Lapid,” aniya.
More Stories
2025 BUDGET TARGET MAIPASA NG KAMARA SA SEPT. 25
DOPPELGANGER NI ALICE GUO, HUMARAP SA NBI
BAGYONG FERDIE PUMASOK SA PAR