May 3, 2024

JEFF HARDY NG ALL ELITE WRESTLING, INARESTO DAHIL SA FELONY DUI

Inaresto si ex-WWE at ngayo’y AEW star Jeff Hardy dahil sa kasong felony DUI ( driving under influence).

Dinala ang 44-anyos na wrestler sa S. James Foxman Justice Center. Doon ay kinasuhan siya ng third drug o alcohol-related DUI offense. Kung saan, maaaring mabilanggo ang inasunto nito ng 10 taon.

Kinasuhan din si Hardy ng ‘driving with a suspended, canceled o revoked license. Gayundin ang paglabag sa mga restrictions na nakasaad sa driver’s licensed. Naging daan sa pagkaka-aresto ni’ The Enigma’ ang reklamo ng mga concerned citizens.

Nakatanggap kasi ang otoridad ng ilang tawag tungkol sa impaired driver sa I-95 sa Volusia County. Kaya naman, nagkasa ng traffic ang mga opisyal para mapahinto ang kotse ni Hardy.

Sa gayun ay matigil ang pagmamaneho ng nito walang ingat. Gayundin ang walang buhay na madamay sa pagiging kaskasero niya. O kahit maging siya ay mailigtas sa kanyang walang asal na pagmamaneho.