May 15, 2024

FLOYD MAYWEATHER, MULING UUPAK KONTRA JAPANESE MMA FIGHTER SA SEPTEMBER

Nakatakdang muling umupak si Floyd Mayweather (45) sa lona sa buwan ng September. Isasagawa ito sa bansang Japan. Kung saan, makahaharap niya si Japanese MMA fighter star Mikuro Asakura.

Ang balitang ito ay inanunsiyo ng Japanese organizer matapos iluklok si Floyd sa International ‘Boxing Hall of Fame’.Ito ay dahil sa 50-0 record ng American boxer. Kasama rin sa iniluklok sa HOF sina Miguel Cotto at Juan Manuel Marquez.

Subalit, wala pang takdang petsa at venue kung kailan haharap si Floyd sa 29-anyos na si Asakura. Ito na ang pang-4 na exhibition ni Mayweather sa Japan. Kabilang sa tinalo niya ay si kickboxer Tenshin Nasukawa by TKO. Nangyari ito noong December 2018.