May 18, 2024

Idolo si Sen. Robin Padilla… RURU MADRID, HINDI BINIGO ANG GMA AT ANG MGA TAGAHANGA

HINDI alam ng mga Filipino na si Robin Padilla, talaga ang hinahangaan ni Ruru Madrid pagdating sa paggawa ng mga ma-aksyon na eksena. Kaya naman sa latest niyang teleserye sa GMA 7 na ‘Black Rider,’ ay pinahanga niya ang mga televiewers sa husay niyang magmotor at sa mga eksenang mga pakikipaglaban sa mga kaaway.

“Bilib po talaga ako kay Sen. Robin Padilla, ‘pag dating sa pagtulong sa mga tao. Bilib din po ako sa kanya pag dating sa showbiz career niya, mahusay po siyang aksyon star. Sana marating ko po kahit konti ng pagiging aksyon star niya, kasi mahusay po talaga siya.

“Sa ‘Black Rider’ po talagang inaral ko po iyong mga aksyon scene, binigay ko pong lahat iyong best ko, kaya hayun magaganda iyong mga eksenang aming kinunan.

“Ako pong lahat ang gumagawa sa bawat fighting scene ko, at hindi po ako nagpapa-doble,” pagtatapos pa niya.