June 21, 2024

HOG RAISER ITINUMBA NG TANDEM

PATAY ang isang magbababoy matapos barilin sa harap ng isang pampublikong paaralan sa Bangued, Abra kahapon ng umaga.

Ayon sa pulisya, nakaupo sa kanyang motorisklo ang biktimang si Catherine Aguilar, 38,  ng Barangay Qullat, Langiden, Abra nang dumating ang riding-in-tandem at binaril siya sa ulo ng dalawang beses.

Isinugod siya sa ospital kung saan idineklarang wala ng buhay.

Narekober ng pulisya ang dalawang  empty shells at isang deformed slug ng caliber .45 pistol.

Naaresto naman ng pulisya ang mga suspek na sina Joemar Bayle, gunman; at ang driver ng motorsiklo na si Dennis Britanico, 21.

Napag-alaman na residente rin ng Barangay Quillat ang mga suspek kung saan naninirahan ang biktima.

Nadakip si Bayle sa isang checkpoint sa Barangay Patucannay, Tayum, Abra.

Nakuha sa kanya ang isang backpack bag na naglalaman ng isang caliber .45 pistol na may magazine na may limang bala at iba pang personal na kagamitan.

Natimbog naman si Britanico sa Barangay Lingtan, Bangued.

Nasa kustodiya na na ngayon ng Bangued police ang mga suspek at nahaharap sa kasong murder.