June 21, 2024

Lalaki na wanted sa statutory rape, arestado

TIMBOG ang isang lalaki na wanted sa kaso ng statutory rape matapos silbihan ng pulisya ng warrant of arrest sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat nadakip ng pulisya ang akusadong si alyas “Papa Gerald”, 36, ng Camarines Sur sa hindi nabanggit na kaso kung kaya kasalukuyan itong nakapiit sa custodial facility unit ng Valenzuela police.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Warrant and Subpoena Section (WSS), nadiskubre nila na kabilang ang akusado sa mga most wanted person ng lungsod dahil sa kasong statutory rape.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B Altarejos ng Regional Trial Court, Branch 172 ng Valenzuela City noong March 1, 2024 para sa kasong Statutory Rape, kaagad itong isinilbi ng mga tauhan ng WSS sa akusado sa loob ng custodial facility dakong alas-2:05 ng hapon