May 18, 2024

HIDILYN DIAZ, COVER GIRL NG ISANG LIFESTYLE MAGAZINE

Hindi lang pang-isports ang arrive ni Hidilyn Diaz, gold medalist sa 2020 Tokyo Olympics. Kundi, pang-magazine na rin ang peg ng Pinay weightlifter.

Katunayan, matikas na nagposed para maging cover ng isang local lifestyle na ‘Tatler Philippines’ si Hidilyn. Ito ay para sa ika-20th anniversary ng nasabing magazine.

Makikita sa larawan ang eleganteng porma ni Hidilyn. Na aakalain mong hindi siya weightlifter sa kuhang pictures sa isinagawang shoot.

Inayusan si Diaz ng celebrity stylist na si Liz Uy at binihisan ng iba’t-ibang outfits. Kinuhanan naman siya ng larawan ni Mark Nicdao. Mismong si U yang nagpost ng mga kuhang larawan ni Diaz sa Instagram account nito.

 “She’s a cover girl. Our country’s pride, gold medalist Hidilyn Diaz,” ani Uy.

“What an honor to be part of this. #GotTheGold,” dagdag nito. Samantala, masaya naman si Hidilyn sa isang oportunidad na dumating sa kanya.