May 19, 2024

BEAUTY GONZALES, NAPA-INLOVE SI KELVIN MIRANDA

Muling masisilayan ang karisma ni Beauty Gonzales sa telebisyon sa susunod na linggo. Mapapanood si Beauty sa bagong show ng Kapuso na   “Loving Miss Bridgette”.Makakatambal niya rito si Kelvin Miranda na gaganap bilang Marcus Villareal. Bale, isang guro si Beauty na gaganap sa papel ni Bridgette de Leon.

Na magugustuhan ng kanyang estudyante sa katauhan nga ni Kelvin. In fairness, ang ganda at ang cute ng aktres sa teaser ng bagong palabras na eere na sa September 13.

Iba talaga ang kanyang dating kahit medyo may edad na. Pero,ang lakas ng dating lalo na kapag ngumingiti.Kaya naman, nang tanungin si Kelvin kung magkakagusto siya sa babaeng mas matanda sa kanya, oo ang sagot niya.

Aniya, prefer niya na mas 5 to 6 years ang age gap nila ng girl. Di kaya nasabi ito ng actor dahil sa karisma ng aktres. Sa pagkakaalam din namin,matagal nang nakalipat si Beauty sa GMA. Pero, ngayon lang siya muling mapapanood. Huli namin siyang nakikita o napapanood sa isang afternoon drama series sa Kapatid Network.