May 18, 2024

CRUSH KASI, ASHLEY RIVERA, INAABANGAN NG MGA BOYS SA ‘BUBBLE GANG’

Tuwing Biyernes, isa si Ashley Rivera sa inaabangan ng mga boys sa gag show na ‘Bubble Gang’. Iba kasi ang dating niya lalo na kapag ngumingiti siya. Isa pa, ang amo at ang ganda ng face niya.

Sa totoo lang, quietly crush ng mga boys si Ashley.

Masasabing isa si Ashley sa pampakwela at panghatak ng longest-running gag show’ sa history ng Philippine TV. Sa totoo, lang, kapag wala siyang eksena sa show, malungkot ang mga boys.

Bet talaga ng tropang barako ang actress-comedian. Kaya naman, kapag may eksena siya sa Bubble Gang, Ganado lalo manood ang mga kalog.

Bagamat isa rin sa inaabangan sina Kim Domingo, Ana Barro at Faye Lorenzo sa show, mas feel ng mga boys ang presensiya niya.

Hiling lang ng secret followers at fans ng actress, sana bigyan siya ng project ng Kapuso Network. Yung siya ang bida. Bagay daw kay Ashley ang role na ala superhero o agent na action-comedy peg.