May 14, 2024

MAJA SALVADOR UMAMIN NA, MAHAL DIN SI EMPOY

Isa sa inaabangan sa palabas na ‘Niña-Niño’ ay ang tandem nina Maja Salvador at Empoy Marquez. Nakakatuwa kasi na sila ang pinagtatambal sa nasabing palabas ng Kapatid Network. Kaya, di nakapagtatakang patuloy ang pagtaas ng ratings nito.

Magandang rekado kasi at kaabang-abang ang love story nila. Na nagtatago ng damdamin sa isa’t-isa. Nagpapakipot pa si Niña kay Gardo sa actor. Pero, deep inside,mahal niya rin pala ito.

Kaya, waiting na ang mga televiewers nito sa isang magandang eksena. Na kung saan ay aamin na si Maja na mahal niya ang comedian.

Kinilig nga sa napanood naming trailer ng next episode ng ‘Niña-Niño’ si ate Baleng. Na kung saan, nagka-aminan na ang dalawa.

Pero, ewan kung ano ang nangyari kay Gardo na yapos-yapos ni Niña. Na parang naghihingalo. Tapos, yun na, nagkatapatan na. Ang nasabing palabas ay mapapanood sa TV 5 tuwing alas 7:20 ng gabi.