May 18, 2024

ELLA CRISTOFANI, BAGONG ‘APPLE OF THE EYES ‘ NG MGA BOYS

Iba rin ang charm ng aktres at model na si Ella Cristofani, (20) na napapanood na rin sa ‘Bubble Gang’. Iba kasi ang beauty at appeal ng Starstuck Season 7 9th avenger.


Noon pa man ay napansin na namin ang arrive ng Fil-Italian girl. Sabi nga ng isang kaibigan natin, ‘ may dating ang batang iyon’. Kaya, bagong ‘apple of the eye’talaga siya ng mga boys.


Maganda siya. Iba ang aura. Kaya natuwa ako nang napapanood ko na siya sa ‘Bubble Gang.’ Buhay na buhay ang atensyon namin kay Ella. Sinong mag-aakala na kalog pala siya,” wika ng kaibigan naming si Neil.


Sa totoo lang, isa na rin si Ella sa inaabangan sa Bubble Gang. Marami ang natuwa dahil napanood siya kagabi.

” Medyo may anggulong hawig siya ni Julie Ann San Jose. Lakas ng dating ng lips niya saka mata,” ani Neil.


Marami ang nakapansin sa kanyang boys nang siya ang madiskaril sa ‘ Ulo-Ulo Lang’. Kaya nadagdagan na naman ang kanilang crush bukod kina Ashley Rivera, Faye Lorenzo at Kim Domingo at Ana Barro.