May 19, 2024

NADINE LUSTRE, CRUSH NG ANAK NI CONGRESSWOMAN VILMA SANTOS

Iba talaga ang karisma ni Nadine Lustre sa mga boys. Lalo na ang mas bata sa kanya. Grabe kasi pag-level-up ng katawan at beauty ng actress at singer.


Dahil sa ganda ni Nadine, nagka-crush sa kanya ang anak nina Congresswoman Vilma Santos at Sen. Ralph Recto. Ito’y walang iba kundi si Ryan Christian Recto.


Katunayan, binuking ni Luis Manzano sa kanyang IG account na crush ng kanyang half-brother si Nadine. Sinagot kasi ng isang netizen ang tanong na kung totoo bang crush ni Ryan ang aktres.


Ang tanong ay mula sa IG user na millettelauro23. Rekta naman itong sinagot ni Lucky nang ‘yup’. Wala namang masa kung crush ng anak ni ate Vi si Nadine. Paghanga lang naman iyon. Hindi naman siguro magseselos nun sa James Reid.