May 19, 2024

CHELSEY SINGSON, UMAANI NG PAGHANGA SA MGA NETIZENS SA SOCMED

Marami ang humahanga ngayon kay Chelsey Singson na mga netizens. Nang malaman naming anak pala siya ni Narcavan City Mayor Chavit Singson, nagulat kami.


Aba’y may itinatago palang napakagandang tisnitang anak si Mayor Chavit. Sa totoo lang, pwede pasukin ni Chelsey ang modeling at showbiz. Bakit hindi? “E isa palang former model ang mommy nito na si Rachel Tiongson. Isa pa, marami rin siyang kaibigang celebrities na pwedeng mag-persuade sa kanyang pasukin ang pag-aartista.


Nung una, agaw-pansin talaga ang ganda at figure ni Chelsey sa Instagram. Marami ang nagagandahan sa kanya sa mga post niyang pics. Kaya, puzzled ang netizens. At nagulat na lang sila nang malamang anak pala siya ni Mayor Chavit. Kahit may anak na at kasal kay Rafael Sison, maraming girls ang naiingit sa figure niya.


Kaya naman, marami nagulat. Mahilig pala siyang magtungo sa mga beaches at boksing. Siya rin ay isang businesswoman na may ari ng sports retail store na GoSport Philippines. Gayundin ng fitness center na Empower Training Center.


Intimadating tuloy ang peg ni Chelsey. Talaga naman kasi. High profile talaga siya. Naging model na rin pala siya ng cosmetic products at credit card. Mayroon din siyang Youtube channel na marami ang subscribers.