May 19, 2024

ANGELU DE LEON AT BOBBY ANDREWS, TATAKBO SA 2022 ELECTIONS

Lulusong ang dating love team na sina Angelu De Leon at Bobby Andrews sa politika. Katunayan, tatakbo sila sa kani-kanilang target na posisyon sa 2022 elections.


Si Andrew ay tatakbo raw bilang Councilor sa isang distrito sa Quezon City. Naging inspiration kasi ng aktor si Manila Mayor Isko Moreno at Sen. Jinggoy Estrada. Kaya, naisipan niya na ring maging public servant. Ready na rin siya sa mga susuunging hamon sa politics.


Ipahahayag naman ni Angelu next month kung anong posisyon ang tatakbuhan niya.
Muling mapapanood sina Bobby Angelu sa ” Di Na Muli’ na pinagbibidahan nina Julia Barreto, Marco Gumabao at Marco Gallo.