May 20, 2024

LEYLAH FERNADEZ, HAHARAPIN SI RADUCANO SA 2021 US OPEN

Makahaharap ni Fil-Canadian Leylah Fernandez (19) si Emma Raducano (18) sa finals ng US Open womens’ singles. Ang dalawa ay parehong unseeded na nakarekta sa huling bahagi ng torneo. Gayundin bilang first all-teen U.S Open Championship match sapol noong 1999.


Huling naghanap sa all-teen sina Serena Williams (17-anyos noon) si Martina Hingis (18). Kung saan, dinaig ng una ang huli.


Sila rin ang unseeded na maghaharap sa finals ng Open Era sapol noong taong 1968. Tinalo ni Raducano ng Great Britain si 17th-seeded Maria Sakkari ng Greece, 6-1, 6-4.


Kaya, naselyuhan ang paghaharap nila ni Fernandez na dinaig naman si second-seeded Aryna Sabalenka ng Belarus, 7-6(3), 4-6, 6-4. Si Fernandez ay ranked 73 habang ranked 105 naman si Raducano.