Naitala ng Swiss composite materials supplier na Gurit ang operating loss na CHF58.4 milyon (US$72.5 milyon) sa unang kalahati ng 2025, bunsod ng malalaking restructuring charges.
Sa kanilang ulat, sinabi ng kumpanya na bumagsak sa CHF164.7 milyon (US$204.6 milyon) ang net sales mula Enero hanggang Hunyo 2025 — katumbas ng -20.1% pagbaba sa constant exchange rates at -22.9% sa reported CHF kumpara sa parehong panahon noong 2024.
Gayunman, nakapagtala pa rin ang Gurit ng adjusted operating profit na CHF9.3 milyon (US$11.6 milyon) na may 5.7% profit margin, bahagyang mas mataas kaysa 5.4% margin noong nakaraang taon.
1.) Wind materials segment: bumagsak ang sales sa CHF105 milyon (US$130.4 milyon) o -22.9%, dulot ng planadong paglabas ng Gurit mula sa carbon fibre pultrusion business. Gayunman, lumakas ang competitiveness at profitability nito matapos isara ang ilang non-strategic production sites at magpatupad ng cost-saving measures.
2.) Marine at industrial segment: bumaba ang sales sa CHF44.6 milyon (US$55.4 milyon) o -10.5%, matapos maantala ang isang malaking proyekto at dahil sa “wait-and-see” stance ng mga kliyente sa gitna ng US tariff uncertainties.
Tinapos ng Gurit ang malawakang restructuring nito sa unang kalahati ng taon, na nagresulta sa mas “lean at focused” na organisasyon. Ang transformation plan ay bahagi ng multi-market strategy ng kumpanya at layong patatagin ang posisyon nito sa merkado ng wind, marine, at iba pang industriya.
Ayon sa Gurit, nananatili silang confident na sa kabila ng restructuring charges ngayong H1, maaabot nila ang full-year adjusted operating profit margin na kahalintulad ng 2024 levels, at mas magiging matatag ang operasyon sa ikalawang kalahati ng 2025.
