September 4, 2024

DOH: BABAE SA METRO MANILA, 12-ANYOS SA CALABARZON  NADALE NG MPOX

Mayroon na ngayong limang aktibong mpox cases sa bansa matapos ma-detect ng Department of Health (DOH) ang dalawa pang kaso ngayong araw.

Ayon sa DOH, isang 26-anyos na babae sa Metro Manila at 12-anyos na lalaki mula sa Calabarzon ang tinamaan ng mpox virus.

“All are the milder MPXV clade II,” saad ni  Health Secretary Teodoro Herbosa. “The situation strengthens our health system — we can find, test, and treat mpox. We will be ready should clade Ib get here.”

Naitala nitong Agosto ang limang kaso ng Pilipinas dahil sa local transmission.

Nabatid na ang dalawang pasyente ay hindi naman nagpunta kung saan-saan nitong nakaraang tatlong linggo bago magsimula ang sintomas.

Nagkaroon ang mga pasyente ng mga pantal sa katawan, namamagang kulani, lagnat at ibang pang karaniwang sintomas ng virus.