
Walang rekord ang Bureau of Corrections (BuCor) ng mga kaso ng human rights violations batay sa Human Rights Situation on Persons Deprived of Liberty 2023, ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.
Inanunsyo ni Catapang ito sa budget briefing ng BuCor sa Committee on Justice ng House of Representatives, na pinamumunuan ni Cong. Jinky Luistro.
Batay sa datos mula sa Commission on Human Rights Resolution no. POL 2024-013 noong Nobyembre 2024, walang naiulat na kaso ng torture o iba pang Cruel, Inhuman, and Degrading Treatment or Punishment (CIDT) sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa ilalim ng BuCor.
Sa 47 kaso na iniimbestigahan sa buong bansa, 66% o 31 kaso ay umano’y kinasangkutan ng PNP officers, 7 kaso (14.9%) mula sa personnel ng Bureau of Jail Management and Penology, at 5 kaso (10.6%) mula sa provincial jails.
Ang 8.5% ng mga kaso ay iniulat na kinasangkutan ng personnel mula sa Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation, at Regional Rehabilitation Centers for Youth.
Pinuri ni Cong. Luistro si Catapang sa kanyang nagawa sa BuCor, habang si Cong. Rufus Rodriguez, na nakapunta rin sa New Bilibid Prison at Iwahig Prison and Penal Farm, ay nagpahayag ng pagbati sa mga repormang isinagawa ng direktor.
“Catapang is inviting us to visit NBP and Iwahig, ang galing ng ginagawa niya sa BuCor so, Congratulations,” ani Rodriguez.
