Pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Ferdie na may international name na Bebinca.
Huli itong namataan sa layong mahigit 1,300 km sa hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.
May lakas ito ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Kumikilos ito ng pahilagang kanluran sa bilis na 35 kph.
Dahil sa paglapit ng bagyo, inaasahang lalo pang lalakas ang paghatak nito sa hanging habagat.
Maaapektuhan nito ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
More Stories
SEN. LAPID PASOK SA ‘MAGIC 12’
KIT NIETO NAGHAIN NG COC SA PAGKA-ALKALDE NG CAINTA
AUSTRALIAN BORDER FORCE BUMISITA SA BOC