May 19, 2024

AWRA BRIGUELA NATUTO NA RAW SA PAGKAKAMALI

SA bawat pagkakamali at mga nasasangkutang isyu ng isang tao, kung siya’y mali sa bandang huli ay kanya naman itong na itatatama.

“Nagising na siya sa katotohanan, at ngayong naka-move on na siya. Focus na siya sa kanyang showbiz career, at medyo iwas na rin siya sa mga bisyo gaya ng pag-inom ng alak.

“Para sa kanya iyong nangyari sa Makati Bar, ay isang learning experience for him. Although it was sad, but still recovering.

“Ganoon daw yata kapag lumalaki, kasama daw iyon sa paglaki ng gaya niya. Ngayon si Awra Briguela is okay na, improving daw siya at becoming stronger,” salaysay pa ni Miss. Bubuwit na aking source.