May 19, 2024

Pagbabakuna kontra polio sa Navotas

ANG Navotas ay nakapagbakuna na ng abot sa 101 porsiyento ng target na populasyon nito para sa Chikiting Ligtas 2024, ang nationwide bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV-SIA) na pinangunahan ng Department of Health. Hinikayat ni Mayor John Rey Tiangco ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa poliovirus, na isang potensyal na nakakapanghinang sakit na nakakaapekto sa spinal cord at mga kalamnan. (JUVY LUCERO)