May 19, 2024

ANGEL LOCSIN, WALANG PLANONG BUMALIK SA KAPUSO CHANNEL

HINDI raw totoong babalik na si Angel Locsin sa GMA-7, wala daw itong plano pa sa ngayon na bumalik sa showbiz.

Kaya nga ako mismo ay hindi naniniwala sa mga isyung naglalabasan tungkol sa kanya ngayon, puro mga fake news.

 “Mas ini-enjoy ngayon ni Angel, ang pribadong buhay kumpara ng siya ay aktibo pa sa pag-aartista.

“Nagagawa niya ngayon ang gusto niyang gawin ng malaya, at walang iniintinding schedule na maaapektuhan at nakakapamasyal siya kung saan man niyang gustong mag-punta.

“Babalik din naman siya sa showbiz, timing lang ang kanyang kailangan. At kapag ready na siya ay sasabihin naman daw niya,” kwento pa ni Miss. Bubuwit na aking source.