NAGWAKAS ang 13-taong pagtatago ng No. 8 Most Wanted Person ng Navotas City na pinaghahanap dahil sa tangkang pagpatay nang matunton ng pulisya ang kanyang lungga sa lalawigan ng Rizal, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balabas ang suspek na si Wilson Prado, 31, obrero ng Block 34, Site 8, Mandaragat St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS).
Ayon kay Col. Balasabas, matapos ang ilang linggong intensive surveillance at intelligence operations ng mga operatiba ng Navotas Police Station Intelligence Branch sa pangunguna ni PLT Charlie Bontigao ay natunton ang pinagtataguan ng suspsek.
Armado ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Anna Michella C. Atanacio-Veluz ng Malabon City Regional Trial Court Branch 169, pinuntahan ng mga operatiba ng SIB ang pinagtataguan ng suspek sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal saka dinakip alas-9 ng gabi.
Sa record ng pulisya, noong Hunyo 29, 2007, kasama ang suspek sa mga sumaksak kay Roger Palugan na pinalad namang nakaligtas sa kamatayan.
More Stories
P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)