November 24, 2024

Modernisasyon sa private security industry, pinapurihan ng mga sekyu

PINASALAMATAN ng isang grupo ng security agency ang panukala ng Kongreso na nanagawan sa modernisasyon ng private security agency industry sa bansa.

Suportado ni Private Security Industry Personnel Employees and Guards Credit Cooperative (PSIPAGCC) chairman Neil Estrella ang pagpapakilala sa Private Security Bill na ngayon ay tinatalakay sa House of Representatives.

Welcome para kay Estrella at sa iba pa niyang kasamahan at miyembro ng PSIPAGCC, ang napapanahong pagtutulak para sa nasabing batas.

Layon ng nasabing batas na patatagin, baguhin, at gawing propesyunal ang private security industry.

Ayon kay Estrella, halos doble ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police (PNP) at militar ang bilang ng mga security guards sa bansa.

Kung kaya’t lubhang mahalaga aniya na mapag-ukulan din ng pansin ang kondisyon ng employment ng mga sekyu at maitaas ang kalidad ng kanilang training.

Sa ilalim ng house bill, isinusulong ang pagpapatupad ng career opportunities at sa working conditions ng mga private security personnel.

Kabilang dito ang ladderized training at education na may subsidiya sa ilalim ng “study now, pay later” program.

Nakapaloob din dito ang mga penalty para sa mga paglabag sa Revised Penal Code.

Itinatalaga naman ang PNP Chief sa pagbuo ng IRR ng naturang proposed bill.