May 3, 2024

Swiss national, 2 Pinoy arestado sa Parañaque drug bust (Supplier ng party drugs sa Southern Metro Manila)

NAKUMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa P340,000 halaga ng ecstasy mula sa isang Swiss national at dalawang Pinoy sa ikinasang buy-bust operation sa Parañaque City, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kuha ni NORMAN ARAGA / AGILA NG BAYAN

Kinalala ang mga biktima na sina Carlo Gonzales at Raymond Dragon kasama si Thomas Fritz Stuck, isang Swiss national.

Ayon kay PDEA officer Jill Salamanca, dalawang buwan na nilang tinitiktikan ang naturang grupo hanggang mapapayag ang mga ito na makipagtransaksyon sa Barangay BF Homes ngayong Huwebes ng umaga.

Base sa kanilang imbestigasyon si Thomas ay supplier ng party drugs sa bahagi ng Makati, Parañaque, Pasay at Taguig.

Nakuha mula sa mga suspek ang 200 piraso ng ecstasy, dalawang cellphone, at dalawang sasakyan.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2020.