Photo: Mayor Jeannie Sandoval/Facebook
PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang pamamahagi ng tig-10 kilong bigas sa humigit-kumulang 3,000 Malabueños sa ilalim ng Hapag Sigurado: Rice Distribution na binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng matibay na samahan at pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan.
Ang huling batch ng mga benepisyaryo sa ilalim ng unang tranche ng programa ay kinabibilangan persons with disabilities (PWDs) at mga miyembro ng iba pang vulnerable sectors habang patuloy ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod na magbigay ng food assistance sa gitna ng pagtaas ng gastusin.
Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Jeannie sa Unang Ginang sa personal na pagsali sa pamamahagi at binigyang-diin na ang patuloy na suporta ng pambansang pamahalaan ay nagbigay-daan sa Malabon na palawakin ang food security initiatives, maghatid ng responsive at inklusibong serbisyo sa mas maraming pamilya.
“Malaking bagay ang patuloy na suporta ng pambansang pamahalaan sa ating mga programa para sa mga Malabueño. Sa pamamagitan ng ating pagtutulungan, mas napapalawak natin ang naaabot na tulong at mas natitiyak nating walang tahanang maiiwan sa ating mga inisyatiba para sa food security, mas maayos na kabuhayan, at pag-unlad,” Mayor Sandoval said.
Ang pamamahagi ng bigas ay bahagi ng Bawat Bayan Makikinabang Program ng pambansang pamahalaan, na ipinatupad sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF).
Target ng pamahalaang lungsod na makumpleto ang apat na bahagi ng pamamahagi ng bigas sa ilalim ng programa upang matiyak na makakarating ang tulong sa mas maraming pamilyang Malabueño.
Tiniyak ni Mayor Jeannie na patuloy ipapatupad ng pamahalaang lungsod ang mga susunod na batch ng rice distribution program hanggang ang lahat ng natukoy na benepisyaryo sa ilalim ng unang tranche ay makatanggap ng tulong, bilang bahagi ng patuloy na pangako nito sa pagpapalakas ng food security at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat Malabueño.
Sinabi naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete na ang tuluy-tuloy na pagpapatupad ng programa ay sumasalamin sa pangako ng lungsod sa pagtiyak na ang food assistance ay makakarating sa mga nangangailangan nito sa pamamagitan ng epektibong pakikipagtulungan ng national at lokal na pamahalaan. (JUVY LUCERO)
