PINABASBASAN at pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang bagong school building ng Tangos Elementary School I na may apat na palapag at 12 classrooms para sa dekalidad na edukasyon. bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-19 na Cityhood Anniversary ng lungsod. Pinasalamatan din nila ang Chinese Filipino Business Club, Inc. sa kanilang pamamahagi ng school supplies sa mga Grade 4 students mula sa Tangos I, Tangos, at Wawa Elementary School. (JUVY LUCERO)
