KILALANIN ANG MGA REYNA NG MISS PHILIPPINES EARTH 2026: Mula sa kaliwa: Miss PH Eco Tourism Roveelaine Eve Castillo (Sioco), Miss PH Fire Patricia Bangug (Agoo), Miss PH Earth 2026 Rina Andrea delos Santos (Ballesteros, Cagayan), Miss PH Air Prima Joy Alamban (Tumauini), at Miss PH Water Alyssa Villariña (Mandaluyong).
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
MALITBOG, BUKIDNON – Hindi lang korona ang napalunan. Pati ang puso ng buong bayan. Sa isang gabing puno ng ningning at layunin, si Rina Andrea delos Santos ng Ballesteros, Cagayan ang kinoronahang Miss Philippines Earth 2026 sa Cultural Center, Malitbog, Bukidnon, noong 27 Hunyo 2026 Sabado ng gabi. Hindi nakarating ang kaniyang pinalitang si Joy Barcoma ng Bacoor, si Rina Andrea ay kinoronahan ni Natálie Puškinová ng Czech Republic, Miss Earth 2025. Ang ika-26 edisyon na may temang “Love in Action” ay pinatunayan ni Rina na ang ganda ay may gawa.
Ang kaniyang court bilang Elemental Queens ay sina Miss PH Air Prima Joy Alamban ng Tumauini, Miss PH Water Alyssa Villariña ng Mandaluyong, Miss PH Fire Patricia Bangug ng Agoo, at Miss PH Eco Tourism Roveelaine Eve Castillo ng Siocon.
Napiling Runners-up sina Kirsten Dawn, Cebu; Hana Tiffany Christen, Passi, Iloilo; Nicole Grace Ampong, Malaybalay; Alyssa Rae Zabala, Marikina; at Mary Ganaba, Tupi, South Cotabato.
Napabilang sa Top 15 Finalist sina Angel Ann Teruel, Pototan; Mikyla Kirkness, Queensland, Australia; Raihjja Lames, Tayabas; Phamel Castillo Deturmal, Valencia, Bukidnon; at Esther Angela Francisco, Zambonga City.
BASAHIN: Pandacan wagi sa Miss Manila 2026
Tumanggap ng Special and Sponsored Awards ang sumusunod:
* Best Cultural Gold – Mae Khyla Garcia, Cabanglasan; Silver – Kirsten Dawn Delerio, Cebu City; at Bronze – Princess Dee Maghinay, Lantapan;
* Miss People’s Choice: Alyssa Ra Zabala, awtomatikong pasok sa Top 15 Finalist;
* Miss Hana: Rina Andrea delos Santos;
* Miss Hana Beauties: Patricia Bangug, Kirsten Dawn Delerio, Alyssa Villariña, Kiana Vecina, Queenly Mae Cañete, Roveelaine Eve Castillo, Raihjja Lames, Prima Joy Alamban, at Mary Ganaba; at
* Miss Bingo Plus: Bernie Larit, Bago, Negros Occidental.
Pinangunahan ni James Deakin, Filipino-British host at motoring journalist ang gabi. Kabilang sa hurado si Karen Basco ng Pilipinas, Miss Earth 2017. Napanood ang buong coronation sa YouTube channels ng Miss Philippines Earth, ALL TV, at Kapamilya Channel.
Misyon ni Rina Andrea na dalhin ang bandila ng Pilipinas sa Miss Earth 2026.
Mula Ballesteros, para sa buong mundo. Ang Hilaga, may korona na!
