
NAGSAGAWA ng Mega Job Fair ang Navotas Public Employment Service Office (PESO) bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng lungsod kung saan umabot sa 83 aplikante ang hired-on-the-spot. Mahigit 34 partner companies ang nagbukas ng job opportunities para sa mga Navoteño na naghahanap ng trabaho. Mayroon ding booths ang mga government agencies tulad ng SSS, PAG-IBIG, at PhilHealth para sumagot ng mga katanungan ng mga aplikante. (JUVY LUCERO)
