Sagad na sa hirap ang buhay nating mga Pilipino. Sa mga ibinoto nating pulitiko wala man lamang nag-angat sa ating buhay.
Walang habas ang pagnanakaw ng mga sakim na pulitiko at mga taong namamahala sa kaban.
Sa halip na tayo ay tulungan, ninanakaw pa ang ating kakarampot na inimpok.
Ang mga kontribusyon na ating pinagtyagaan sa Philhealth at mga salaping inilalaan natin para sa ating pagtanda ninakaw pa ng mga walang konsensiya!
Lahat ng perang dapat sana sa kaunlaran ng bawat isa at ating pamayanan ay unti-unting kinukulimbat ng mandarambong sa gobyerno.
Lahat sila ay magkakasabwat para tayo ay pagnakawan!
Habang tayong mga Pilipino ay nagpapakahirap sa pagkayod, panay naman ang kaltas sa ating kakarampot na suweldo para buhayin ang mga ulupong sa pamahalaan.
May itatangi pa ba ang Pinoy o mapipiling hindi mandarambong na nakaupo ngayon sa gobyerno?
Wala ginagawa ang mga pinuno ng bansang ito kundi magbangayan at pag-awayan ang puwesto na ayaw bitawan dahil sa malaking kitaan!
Kawawa ang mga kabataan. Kawawa ang bansang ito na naiwan na ng mga kapitbahay na bansa dahil sa korupsyon.
Wala tayong napapala sa mga ibinoto natin kundi kahirapan.
Sa tatlong taong ni PBBM ang na ang kanyang nagawa? Mataas na presyo ng gasolina, pagbagsak ng mga negosyo, pagtaas aa presyo ng mga bilihin at patuloy na pagdami ng bilang ng mga walang hanapbuhay!
***
Ang SSS nag-imbak ng toilet paper para pamunas ng kung ano man.
Bayad tayo nang bayad, ambag nang ambag para laspagin ng nga buwisit na ito sa SSS. Kapag kailangan sila ng miyembro hindi makausap. Yun bang akala mo utang na loob natin sa kanila ang ating kabuhayan, samantalang tayong mga miyembro ang bumubuhay sa kanila!
Kapal ng mga mukha nyo ah! Malamang sa malamang kung saan-saan nakakarating ang toilet paper na yan, daang libong pisong toilet paper ba naman!
Inutil at saksakan ng tanga ang nga nangangasiwa ng procurement ng SSS, para pondohan at bumili ng daan libong pisong toilet paper. Ang dami nyo namang pinupunasan!
Pero pumasyal ka sa CR ng SSS wala kahit isang pirasong toilet paper!
Mabuti pa ang gawin ninyo ay bigyan n’yo ng komportableng lounge ang mga members ng SSS para naman hindi nagmamantika dahil sa init habang nag-aabang sa pabalik-balik na lakaran ng papel sa opisina ng Social Security System!
Mahiya naman kayo!
