Nakahanda na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang mabawasan ang epekto ng Tropical Depression Verbena sa operasyon at pasilidad ng transmission system ng bansa.
Ayon sa NGCP, ipinatutupad na ang mga kinakailangang preparasyon at precautionary measures para matiyak ang tuloy-tuloy at ligtas na daloy ng kuryente sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo.
Kabilang sa mga isinagawang hakbang ang pagtiyak sa reliability ng communication equipment, paglalagay sa standby ng mga hardware materials at supply na kakailanganin sa agarang pagkukumpuni, at strategic deployment ng mga line crew upang mas mabilis ang restoration efforts sakaling may masirang transmission line o tower.
Bahagi ito ng Integrated Disaster Action Plan (IDAP) ng NGCP, isang protocol na naglalatag ng mga proseso para sa kahandaan ng power transmission network tuwing may paparating na sama ng panahon.
Tiniyak ng NGCP na naka-full alert ang kanilang mga team upang agad tumugon sa anumang insidenteng dulot ng Tropical Depression Verbena. (Arnold Pajaron Jr)
