Ryan San Juan
Pormal nang sinalubong ng Ayala Malls Vertis North ang kapaskuhan sa isang makulay at masayang gabi ng ilaw, musika at pagdiriwang, matapos idaos ang taunang Christmas Tree Lighting na dinaluhan ng komunidad nitong weekend.
Pinangunahan nina Ayi Alzala, Deputy General Manager, at Nica Santiago, Senior Marketing Associate Manager, ang seremonya ng pagsisindi ng higanteng Christmas tree, isang taunang tradisyon na nagsisilbing simbolo ng kagalakan, pag-asa at pagkakaisa.
Sa pagliwanag ng puno, umalingawngaw ang hiyawan at saya ng mga dumalo, habang ramdam ang tinatawag nilang “that feeling when Christmas magic unwraps.”
Nagmistulang isang magical holiday spectacle ang buong Vertis North grounds, na sinamahan ng festive performances at visual displays na lalong nagpasigla sa kapaligiran. (Art Torres)
