Pormal na inilunsad nina TNVS President Jun de Leon at Nep Camungol, Operations Manager ng O2O Corporation, ang Electronic Vehicle (EV) Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Metro Manila nitong Nobyembre 12, 2025 (Miyerkules).
Ang proyekto ay bahagi ng pagdiriwang ng National Clean Air Month 2025 at isinakatuparan ng Laban TNVS katuwang ang InDrive, TransRev, at O2O, mga organisasyong sabay-sabay na tumutulak tungo sa mas makabago at makakalikasang transport network.
Itinuturing ang inisyatibong ito bilang malaking hakbang para sa greener at mas sustainable na TNVS sector, na naglalayong palitan ang mga tradisyonal na sasakyang gumagamit ng fuel ng mga eco-friendly electronic vehicles.
Layunin nitong bawasan ang carbon emissions, makatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin sa Metro Manila, at magpakita ng kongkretong suporta sa environmental sustainability. (Art Torres)
