Inanunsyo ng Kilusang Bayan Kontra Korakot (KBKK) na magsasagawa ito ng nationwide protest rallies sa darating na Nobyembre 30, 2025, bilang panawagan para sa malawakang imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa mga infrastructure project ng pamahalaan.
Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ng KBKK na layon ng kilos-protesta na papanagutin at ilantad ang lahat ng opisyal na sangkot sa mga iregularidad.
Anila, kabilang umano sa mga ito ay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mga mataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Budget and Management (DBM), Cooperative Development Authority (CDA), pati na rin ang mga mambabatas sa parehong Kamara at Senado, at mga contractor ng public works projects. (ART TORRES)
