SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos pagbantaan papatayin ang isang babaeng vendor habang armado ng baril sa Navotas City.
Nahaharap sa kasong Grave Threats at paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang 25-anyos na suspek na si alyas “Tamban” ng Brgy., NBBS, Proper.
Sa pahayag ng 36-anyos na babaeng fish vendor kay Navotas Police Acting Chief P/Col. Renante Pinuela, pinagbantaan umano siyang papatayin ng suspek habang armado ng baril.
Kaagad humingi ng tulong ang biktima sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Police Sub-Station 4 na mabilis namang remesponde na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek.
Nakumpiska sa suspek ang walang kaukulang mga dokumento na isang improvised firearm (sumpak) na kargado ng isang bala. (JUVY LUCERO)
