Person in handcuffs
ARESTADO ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos umanong bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City.
Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Navotas Police Acting Chief P/Col. Renante Pinuela hinggil sa umano’y illegal drug activities ng 28-anyos na si alyas “Dodong”.
Kaagad isinailalim ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek at nang positibo ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation sa koordiansyon sa PDEA.
Hindi na nakapalag ang suspek nang dambahin ng mga tauhan ni Col, Pinuela matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Brgy. San Roque, dakong alas-7:08 ng gabi.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 5.65 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P38,420.00 at buy bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JUVY LUCERO)
