Ipinahayag ni Mayor Benjamin Magalong ang kanyang pagkadismaya matapos madiskubre ang umano’y “substandard” na mga proyekto sa kanyang inspeksiyon bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure.
Sa kanyang keynote message nitong Biyernes, sinabi ni Magalong na mabigat ang pasanin ng pamumuno lalo na sa harap ng malalim na ugat ng katiwalian.
“Public service is never easy… it is very challenging and it is very dangerous as well,” aniya.
Tinuligsa rin niya ang mga tiwaling opisyal at kontraktor na aniya’y sumisira sa kinabukasan ng bansa.
“Nakakalungkot isipin na itong mga taong ito, sinisira nila ang kinabukasan ng ating bansa,” dagdag ni Magalong.
Hinimok ng alkalde ang publiko na huwag magsawa sa laban kontra korapsyon.
“Huwag nating pabayaan na nakawin nila ang kinabukasan ng ating kabataan. Huwag nating hayaang nakawin nila ang kinabukasan ng ating bayan,” mariin niyang panawagan.
