SWAK sa selda ang 36-anyos na lalaki na akusado sa panghahalay sa isang babaeng biktima matapos masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.
Mismong si Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio ang nag-utos na tugisin ang akusadong si alyas “Popoy” na nakatala bilang No. 3 sa Ten Top Most Wanted Person sa NPD at No. 5 TTMWP naman sa Caloocan City Police.
Nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Caloocan Police Acting Chief P/Col. Joey Goforth na naispatan sa isang Barangay sa lungsod ang presensya ni alyas Popoy, agad nilang ikinasa ang operation.
Dakong alas-4:15 ng nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan Police ang akusado sa PNR Compound, Samson Road, Barangay 80.
Hindi naman umano pumalag ang akusado nang arestuhin siya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Family Court Branch 1 ng Caloocan City para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Pinuri naman ni BGen. Protacio, ang Caloocan police sa kanilang pagsisikap at propesyonalismo na binibigyang-diin ang matatag na dedikasyon sa kaligtasan ng publiko at pangako sa pagtataguyod ng katarungan. (JUVY LUCERO)
