September 19, 2024

2 nadakma sa P149-K halaga ng droga

Arestado ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Navotas Police sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang buy-bust operation sa M. Naval St., Brgy. NBBS Proper sa nasabing siyudad. (Kuha ni RIC ROLDAN)

SA kulungan ang bagsak ng dalawang sangkot umano sa droga kabilang ang listed drug pusher matapos madambansa isinagawang buy-bust operation ng pulis sa Navotas City, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Edemson Villanueva, 42, pusher/listed at Lamberto Linaban 1V, 44, kapwa ng Brgy. Tanogs North.

Ayon kay Col. Balasabas, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang buy-bust operation kontra kay Villanueva sa kahabaan ng M. Domingo St. Brgy. Tangos kung saan isang undercover pulis ang nagawang makapagtransaksyon sa kanya ng P300 halaga ng shabu.

Nang iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu sa poseur-buyer kapalit ng marked money ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, kasama si Linaban.

Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 22 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P149,600 ang halaga, buy-bust money at P500 cash. Kasong paglabag sa Conprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya konta sa naarestong mga suspek sa Navotas City Prosecutors Office.