October 17, 2024

PALABOY NAGPAKAMATAY SA PASIG

ISANG lalaki ang nagpasyang kitilin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa Pasig City.

Ayon sa pulisya, dakong alas-2:00 ng hapon ngayong araw, Oktubre 7, nang matagpuan ng isang street sweeper ang bangkay ng biktima na nakabigti sa isang bakanteng lote sa kabahaan ng F. Legaspi St., sa Brgy. Maybunga, Pasig City.



Napag-alaman na isang taon nang palaboy-laboy ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung depresyon o nasa ilalim ng impluwensiya ng illegal na droga ang biktima bago magpakamatay.