HINDI pa huli ang lahat para sa tatlong Pinoy senior chess players para sa katuparan ng pangarap na Grandmaster title.
Kumpiyansa sina International Masters Chito Garma at Jose Efren Bagamasbad, gayundin si FIDE Master Mario Mangubat na makamit ang pinakahihintay na GM title sa kanilang pagsabak sa FIDE World Senior Chess Championships sa Nobyembre 16-24 sa Porto Santo Island, Portugal.
“Mabigat ang laban namin, pero sa kondisyon ako at talagang magaan ang feeling ko na makukuha ko, finally yung Grandmaster title. Bilang chess player, ito ang ultimate goal namin, medyo inaabot na tayo ng pagighing senior pero sabi nga sa buhay wala sa idad yan, hindi pa huli sa tulad kong senior na matupad yung pangarap naming GM title,” pahayag ng 60-anyos na si Garma sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Rizal Memorial Coliseum VIP Room sa Malate, Manila.
Kinatigan ng 68-anyos na si Bagamasbad mula sa Camarines Norte ang naging pahayag ni Garma at maging siya ay nagpapasalamat sa isa pang pagkakataong na nakamit para makamit ang pinakamimithing titulo sa larangan ng chess.
“Mula sa Executive Chess tournament, umangat ako sa National Open sa sa international tournament. Nakuha ko yung dalawang GM norm, nagawa ko ito, kaya sabi ko sa sarili ko magagawa ko ring makuha ang GM title,” sambit ni Bagamasbad.
Nagamit nina Garma at Bagamasbad ang slots sa World Championships matapos magwagi sa kani-kanilang age bracket (50-64 yrs) at )65-over), ayon sa pagkakasunod sa nakalipas na Asian Senior Championships na ginanap sa Tagaytay City, habang si Mangubat ay nakahirit ng bronze medal sa 65-over class.
“Marami kaming pinagdaanan at nakamit na karanasan dahil halos buong buhay naming itinuon naming sa chess. Syempre, nahanap-buhay din kaya nahinto sa paglkalaro, pero yung passion kasi sa chess nandyan kaya kahit seniors na kami tuloy pa rin, awa ng Diyos binigyan kami ng pagkakataon na makapagwagi ng GM title sa world seniors meet.
Ayon kay US National Master Marlon Bernardino, tumatayong coach/adviser ng Philippine senior team, kakailanganin ng tatlo na makamit ang titulo sa kanilang age classes para sa ‘outright’ GM title. Sa sandalling, hindi ito makamit, ang pagtatapos sa top 10 ay makapagbibigay naman ng karagdagang FIDE points sa tatlo.
“Sa nakalipas na Chess Olympiad nakamit ni Danile Quizon ang GM title para magingg ika-17 Pinoy na chess Grandmaster. This November, puwedeng madagdagan yan ang kung sakali silang tatlo ang magiging oldest Pinoy GM,” ayon kay Bernardino.
“ Kung hindi naman natin makuha, atleast makakatulong ang resulta ng kanilang laro dito para makahirit silang maglaro sa 2500 over rating tournament sa abroad.
Ngunit, tulad ng mga atletang Pinoy na walang sapat na kakayahan na makalahok sa international meet, nanawagan ng tulong pinansiyal ang grupo ni Garma sa Philippine Sports Commission, gayundin sa mga corporate businesss para makabawas sa kanilang gastusin patungong Portugal.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM