
NANUMPA na si ex-taekwondo champ-turned politician Monsour del Rosario bilang miyembro ng United Nationalist Alliance (UNA).
Sa isang post, makikitang nanumpa si Del Rosario bilang bagong miyembro ng UNA kay Sen. Nancy Binay.
Sa ilalim ng UNA, dalawang beses nang nanalo si Del Rosario bilang konsehal at nakakuha ng puwesto sa House of Representatives noong 2016.
Sa Mayo 2025, tatakbo si Del Rosario sa ilalim ng tiket ni Binay.
Huling termino na ni Binay bilang senador sa 2025 at nagpahayag na siya na tatakbong alkalde sa Makati City.
Kapatid ni Binay si Makati Mayor Abby Binay, na matatapos naman ang termino sa pagka-mayor at kabilang sa magiging pambato ng NPC sa senatorial race sa 2025 elections.
More Stories
Panahon na Para sa Tunay na Partido, Hindi Personalidad
Ogie Diaz kay Camille Villar: ‘Tubig muna bago pabahay’
PAGASA: MATINDING INIT SA LUZON, POSIBLENG PAGBAHA AT LANDSLIDE SA MINDANAO NGAYONG BLACK SATURDAY