
TULUYAN nang umupo si Senador Sonny Angara bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd) .
Sa isang seremonya sa punong tanggapan ng DepEd sa Pasig City, pormal na rin isinalin ni Vice President Sara Duterte kay Angara ang selyo, bandila at responsibilidad ng kagawarang pinamunuan sa nakalipas na dalawang taon.
Bago pa man ang turnover ceremony, magkasamang nilibot nina Duterte at Angara ang iba’t ibang tanggapan ng ahensya.
Samantala, inamin ni Duterte na may mga pagkukulang pa rin ang ahensya sa ilalim ng kanyang pamumuno – bagay na tinugon ni Angara ng pangakong itutuloy lahat ng nasimulang inisyatiba ng Pangalawang Pangulo.
More Stories
Panahon na Para sa Tunay na Partido, Hindi Personalidad
Ogie Diaz kay Camille Villar: ‘Tubig muna bago pabahay’
PAGASA: MATINDING INIT SA LUZON, POSIBLENG PAGBAHA AT LANDSLIDE SA MINDANAO NGAYONG BLACK SATURDAY