November 23, 2024

145 BAGONG ATHLETIC SCHOLARS, TINANGGAP NG NAVOTAS

KASAMA si Navotas Schools Division Office Superintendent Dr. Meliton P. Zurbano, mga scholars, at kanilang mga magulang o guardians, nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of agreement para sa NavotaAs Athletic Scholarship Program kung saan umabot sa 145 Navoteño elementary at high school students na mahuhusay sa sports ang tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas bilang mga bagong athletic scholars. (JUVY LUCERO)

NAG-ALOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng scholarship sa 145 Navoteño elementary at high school students na mahuhusay sa sports.

Kabilang sa mga bagong scholars ang 38 Navotas Division Palaro champions sa athletics, 24 sa swimming, 21 sa taekwondo, 18 sa arnis, at 16 sa badminton.

Kasama rin ang 11 medalists sa table tennis, 10 sa pencak silat, seven sa chess, at siyam sa arnis.

Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Navotas Schools Division Office Superintendent Dr. Meliton P. Zurbano, mga scholars, at kanilang mga magulang o guardians, ang memorandum of agreement para sa NavotaAs Athletic Scholarship Program.

“This achievement is a testament to your perseverance and dedication in your chosen sports. I encourage you to continue honing your skills and talents, and at the same time, strive hard in your studies to maintain your grades,” ani Mayor Tiangco.

Ang mga athletic scholars ay tatanggap ng P16,500 transportation at food allowance, at P1,500 para sa kanilang uniform at mga gamit kada scholarship term.

Makakakuha din sila ng libreng training sa mga coaches na kinuha ng pamahalaang lungsod at tulong sa pagsali sa mga kompetisyon.

Ang kanilang scholarship ay maaaring i-renew taun-taon kung sila ay manalo ng hindi bababa sa ikatlong puwesto o katumbas nito sa anumang regional o national sports competitions, dumalo sa lahat ng kailangan at nakatakdang pagsasanay at mapanatili ang kanilang mga grado sa paaralan.

“Your success is the success of the entire Navotas community. Keep striving and dreaming. With your determination, you can achieve your dreams,” dagdag ni Tiangco.

Ang pamahalaang lungsod ay nagbibigay din scholarships sa mga estudyante na nagpapakita ng outstanding academic performance at artistic talent, at sa mga anal o mga kaanak ng Top Ten Most Outstanding Fisherfolk.

Bahagi ang MOA signing ceremony ng pagdiriwang ng ika-17th Navotas cityhood anniversary.