November 23, 2024

MGA TAUHAN NG HPG NA UMARESTO SA 2 MOTORCYCLE RIDERS NG MMDA, KAKASUHAN

📷 INQUIRER

SASAMPAHAN ng kasong kriminal ng dalawang tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang ilang tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) na umaresto at nagkulong sa kanila.

Kasong unlawful arrest ang ihahain ng dalawang motorcycle riders laban sa tauhan ng HPG.

Ayon kay Senator Francis Tolentino,  dinismis ng Department of Justice (DOJ) ang kaso laban sa dalawang tauhan ng MMDA dahil sa kawalan ng batayan at wala silang nalabag na batas lalo na at otorisado ang dalawang dinakip.

Sinabi pa ng senador na labis na naapektuhan ng naturang pagdakip ang pamilya ng dalawang MMDA riders na hinuli at kinulong.

Inihayag  ito ni Senator Tolentino nang mamahagi ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS,   katuwang si Vice Mayor Bernard Ninong Dela Cruz sa sa Tugatog, Malabon kung  saan  mahigit isang libong residente ang nabigyan ng financial assistance at bigas.