October 18, 2024

Navotas namahagi ng cash aid

NAKATANGGAP ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang nasa 3,832 rehistradong mangingisda at mga driver ng tricycle de padyak at de motor ng P3,000 cash subsidy na programa ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at Department of Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan ni Mayor John Rey Tiangco. (JUVY LUCERO)