
HINDI naman tututol si Diwata kung ang gaganap sa kanyang life story sa “Magpakailanman” ay si Roderick Paulate.
Si Diwata ay napaka-kontrobersiyal na vlogger/vendor.
Mahusay na naman kasi na comedy-actor si Roderick at hanga ako sa estilo ng kanyang pagpapatawa. Kumbaga, wala pa rin kakupas-kupas ang husay niya sa pag-arte at pagpapatawa.
“Kung siya ang choice, masaya ako dahil maipapalabas sa TV o sa ‘Magpakailanman” ang aking life story. Makikita nila kung anong mabibigat na pagsubok ang naranasan ko sa aking buhay,” masayang kuwento ni Diwata.
“Sana matuloy, kasi nakaka-proud dahil nakita nila iyong aking pagsisikap para maabot ko iyong tagumpay na gusto kong makamtan sa aking buhay,” dagdag pa niya.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO