Nadakip ng mga otoridad sa lalawigan ng Rizal ang lider ng isang criminal group sa operasyon ng pulisya sa Brgy. Cupang, Antipolo City gabi ng Abril 21, 2024.
Ang pagkakadakip kay alyas Darwin ay resulta nang pinagsanib na puwersa ng Operasyon Kontra Most Wanted Persons ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, Antipolo CCPS at RIT RIZAL-RID 4A.
Isinilbi ng mga naturang operatiba kay Alyas Darwin, 30-anyos, constructed worker at residente ng Antipolo City ang warrant of arrest dahil sa mga kinakaharap na kasong murder at homicide.
Ayon sa pulisya, maaaring magpiyansa ng ₱120,000 si Alyas Darwin sa kasong homicide ngunit non-bailable naman ang kasong murder laban sa akusado.
Sa rekord ng korte, si Darwin ay akusado sa pagpaslang kay alyas Kalbo noong Pebrero 10, 2022 sa Brgy. Cupang, Antipolo at kay alyas Alvin noong Oktubre 27, 2021 sa Brgy. Mayamot, Antipolo City, baril ang ginamit ng suspek sa pagpaslang sa mga biktima.
Si Darwin ay sinasabing lider ng Nicdao Criminal Group na sinasabing pangunahing nagpapalaganap ng illegal na droga sa Lungsod ng Antipolo at mga karatig na bayan at nasa Ranked 5 ng most wanted person ng Police Regional Office 4.
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO