
KALABOSO ang dalawa sa tatlong holdaper na nambiktima at sumaksak sa 50-anyos na mister sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jessie”, 27, ng Kasarinlan St. Brgy. Muzon at alyas “Edison”, 20, ng Manapat St. Brgy., Tañong habang tinutugis pa ng pulisya ang isa nilang kasama.
Sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michel Oben, habang naglalakad pauwi ang biktimang si alyas “Romel” ng Brgy. 8, Caloocan City dakong alas-2:30 ng madaling araw nang huminto sa kanyang harapan ang motorsiklong sinasakyan ng mga suspek sa Dagat-Dagatan Avenue corner P. Aquino St., Brgy. Longos saka tinutukan siya ng patalim nagdeklara ng holdap.
Tinangka namang pumalag ng biktima subalit, sinaksak siya sa mukha ni “Jessie” gamit ang isang barbecue stick, sabay hablot naman ng isa pang suspek sa dala niyang sling bag na naglalaman ng P3,200 cash.
Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa Pinagsabugan Street habang nagawa namang makahingi ng tulong ng biktima sa pulisya na agad nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang holdaper.
More Stories
CHARO AT DINGDONG, MAY HALIKAN SA BAGONG ROMCOM?
MATAPOS ANG NETFLIX, IBA PANG APP TATAAS NA RIN ANG PRESYO DAHIL SA VAT
“3 Pinoy Seaman Nakakulong sa Algeria, Mga Asawa nagpasaklolo kay PBBM